Pag-amin ng isang dakilang assumera.

 

giphy

Minsan sa buhay may mga pagkakataon na akala natin tayo. Kagaya ng kapag nasa pila ka at pumasok na yung nauna sayo, edi ikaw ready ka naman kasi ikaw na yung susunod. Tapos nung patayo ka na at papasok na, ibang pangalan yung tinawag “Ay akala ko ako na…”. Kapag nasa isang coffee shop tayo at umorder tayo ng frappe at isusulat doon yung pangalan mo diba tapos maghihintay ka ng 3-5 minutes. Tapos nung tinawag ka na, edi kinuha mo yung order mo pagtingin mo hindi naman pala frappe yung hawak mo. Hindi naman pala sayo yun, magkapangalan lang pala kayo, “Akala ko akin…”.

Katulad nang nasa school ka at kasama mo yung mga tropa mo, tapos nakita mo yung crush mo at nakatingin siya sayo. Akala mo lang pala yun, kasi hindi naman talaga siya nakatingin sayo, nakatingin siya dun sa kaibigan mong mas maganda sayo. Meron pa, yung close na close na kayo at inaasar na kayo ng mga kaklase mo, at akala na magiging kayo na, akala mo ikaw na, pero iba yung niligawan. “Akala ko ako…” aray naman.

Minsan iniisip ko na lang na kasalanan to ng mga lalakeng paasa eh. Bakit kasi sila ganon, paparamdam nila sa iyo na espesyal ka tapos hindi naman pala talaga. Hindi ka nila papatulugin ng ilang gabi dahil sa sinabi o ginawa nila yun naman pala wala lang sa kanila yun. Pero minsan naiisip ko rin, paano kung ako talaga yung may problema? Paano kung ako talaga tong asa ng asa at nagbibigay ng meaning sa mga pinaggagagawa nila? So ano? Kasalanan ko pa pala ngayon, galing. Kaya ayun, imbes na pansinin at entertainin ang mga paramdam nila, ito ako ngayon todo iwas at panay ang sabi sa utak na “hindi, hindi totoo yun ano ka ba, hindi ka gusto noon. yan ka na naman eh, aasa ka na naman tapos iiyak iyak ka. hay nako.” Kaya ito ako ngayon, wala. Nga-nga, ayoko na tigilan na natin to. Ayoko nang umasa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s